Tuesday, September 24, 2019

Yoooow wazzup guys welcome back to our blog and for today we decided to post cooking recipe!
I will share it to you guys how my mother cook my favorite Chicken Curry.
Just keep on reading!
Related image


Ingredientssss:

3 tbsp Cooking oil
4 Garlic 
1 piece Medium sized onion
1/2 kg Chicken Leg
1 piece Medium sized potato cut into cubes
1 piece Medium sized carrot cut into cubes
1 tbsp Curry powder
1 pack Knorr Ginataang Gulay Mix dissolved in 1 cup water
1 can Evaporated milk
1 cup Red and Green bell pepper, removed seeds
Ground black pepper
salt


Procedureeee:




  • 1 Begin by getting your pan nice and hot over medium heat. Pour some oil and then throw in the garlic and onion. Add the chicken and sauté until it is half cooked and the color changes.
  • 2 Add the potatoes next and carrots and cook until slightly brown in color. Mix well.
  • 3 Add curry powder, Knorr Complete Recipe Mix Ginataang Gulay dissolved in 1 cup water and evaporated milk. Mix well then simmer until chicken is cooked.
  • 4 In goes the red and green bell peppers and just season with ground pepper and salt to taste. Let this boil for 2 minutes and that’s it.
  • 4
  • Monday, September 23, 2019

    Mga natutunan namin sa Asignaturang Filipino

    Image result for asignaturang filipino clipart png

    YUNIT 1 MGA KONSEPTONG PANGWIKA 




    *ARALIN 1 "Wika, Komunikasyon, at Wikang Pambansa"

    Wika - isang sistema ng mga sagisag na binubuo ng mga tunog o kaya ay mga pasulat na letra na naiuugnay natin sa mga kahulugang nais nating ipabatid sa ibang tao.

    Natutunan namin na mayroon pala itong Daluyan ng Pagpapakahulugan.
    1.Tunog - nakasandig sa sistema ng mga tunog ang pundasyon ng anumang wika ng tao.
    2.Simbolo - biswal na larawan, guhit, o hugis na mayroong kahulugan.
    3.Kodipikadong Pagsulat - sistema ng pagsulat tulad ng cuneiform o tableta.
    4.Galaw - tumutukoy sa ekspresyon ng mukha, kumpas ng kamay at galaw ng katawan na nagpapahiwatig ng kahulugan. Hal., Pagkaway at pagkunot ng noo.
    5.Kilos - tumutukoy sa kung ano ang ipihapahiwatig ng isang ganap na kilos ng tao. Hal., Pagmamano at pagtulong sa tumatawid sa daan.

    Natutunan din namin na mayroong iba't ibang gamit ng wika kagaya ng Paggamit nito sa talastasan, Lumilinang ito ng pagkatuto, Saksi ito sa panlipunang pagkilos, lalagyan o imbakan ng kaalaman ng isang bansa, Tagapagsiwalat ng damdamin, at gamit sa imahinatibong pagsulat


    Ang wika ay mayroong Kategorya at kaantasan.
    Kategorya:
    1.)Pormal - kinikilala at ginagamit ng higit na nakararami.
    Antas:
    *Opisyal na wikang pambansa at panturo - ginagamit sa pamahalaan at mga aklat sa paaralan. hal., malaya, tahanan, malaki, edukasyon.
    *Wikang Pampanitikan - ginagamit sa akdang pampanitikan. Masining at malikhain ang kahulugan ng mga salitang ito. hal., haraya, silay, kabiyak, salinlahi.


    2.)Di- Pormal - madalas gamitin sa pang araw-araw na pakikisalamuha.
    Antas:
    *Panlalawigan - ginagamit sa partikular na pook, maypagkakaiba-iba sa tono at kahulugan sa ibang salita. hal., adlaw (araw), balay (bahay), ambot (ewan)
    *Balbal - slang sa ingles. hal., chicha, epal, utol
    *Kolokyal - pang araw-araw na pakikipag-usap.




    Komunikasyon – pagpapahayag, paghahatid, o pagbibiyag ng impormasyon sa mabisang paraan.

    Ang komunikasyon ay mayroon din palang antas katulad ng wika, ito ay Intrapersonal, Interpersonal, at Organisasyonal.

     Nalaman namin na ang Intrapersonal ay pakikipag-usap sa sarili halimbawa nito ay pagdarasal, meditasyon, at pagninilay-nilay. Ang Interpersonal naman ay ang pakikipag-usap sa pagitan ng dalawa o higit pang kalahok. Samantalang ang Organisasyonal naman ay komunikasyon sa loob ng organisasyon halimbawa nito ay paaralan, kompanya, simbahan, at pamahalaan.

    Pangkaraniwang Modelo ng komunikasyon:
    Ang Tagapagpadala – pinagmulan ng mensahe, ang Mensahe, naglalaman ng impormasyon, ay dumadaan sa isang tsanel upang maihatid ito sa kanyang destinasyon. Ang tagatanggap ay ang taong pinadalhan ng mensahe. Ang mensahe ay bumabalik sa tagapagpadala. Minsan hindi nagkakaintindihan ang nag-uusap dahil sa ingay na gawa ng tao, sasakyan, o ano mang nasa paligid depende sa konstekto.

    Natutunan din namin na ang Komunikasyon ay mayroon palang tatlong uri
    Komunikasyong Pabigkas, Komunikasyong Pasulat, pakikipagtalastasan sa pamamagitan ng kompyuter.



    *ARALIN 2 "Unang Wika, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo sa kontekstong Pilipino"

    Isang lingguwistikong realidad ang pagkakaroon ng maraming wika. Realidad na tinatawag ang multilingguwalismo sa ating bansa. Ang wikang Filipino ay binubuo ng maraming wika mula sa kasalong wika at mga banyagang wika.


    Nalaman din namin ang tungkol sa Artikulo XIV, Seksiyon 6: "Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral ng Pilipinas at sa iba pang mga wika."


    Ang Timeline na ito ay nagpapakita ng pitong wika at yugto ng wika at pitong mga programang pangwika.


    ⇒Wikang Ingles - wikang dinala ng mga Amerikano na lumaganap sa pampubliko at kalaunan sa pampribadong edukasyon noong 1901.

    Monolingguwalismong Ingles - ayaw ng mga amerikano na gamitin natin ang ating sariling wika  kaya ipinatupad nila ang monolingguwalismong ingles noong 1901.

    ⇒Unang Yugto ng Wikang Tagalog - (tagalog -1) una itong pinangalanang wikang pambansa noong 1935.

    Unang Bilingguwalismo - Iniutos ni Jorge Bocobo na pwedeng gamitin ang ating unang wika bilang auxilary lalo na sa mag-aaral na nasa unang baitang. Bilingguwalismo ay binubuo ng wikang ingles at isa sa ating unang wika.

    ⇒Ikalawang Yugto ng Wikang Tagalog - (tagalog - 2) wikang tagalog ay ginawang isang pangakademikong asignatura noong 1940.

    Ikalawang Bilingguwalismo - tanging wikang Pilipino na lamang ang gawing midyum sa pagtuturo. Sa kauna-unahang pagkakataon ang paggamit ng wikang pilipino bilang wikang panturo sa buong kapuluan. Bilingguwalismo ay binubuo ng wikang Pilipino at isa sa ating unang wika.

    ⇒Unang Yugto ng Wikang Pilipino - (Pilipino - 1) ang pangalang tagalog ay pinalitan ng wikang pilipino noong 1959.

    Unang Multilingguwalismo - ito ang pumalit sa ikalawang bilingguwalismo na umiral lamang ng tatlong taon. Noong 1973 ipinagutos na gamiting midyum sa pagtuturo ang mga unang wika hanggang sa ikalawang baitang na susundan naman ng paggamit ng mga wikang Pilipino at Ingles.

    ⇒Ikalawang Yugto ng Wikang Pilipino - (Pilipino - 2) nanatiling wikang opisyal at wikang pang - akademiko pero nawala bilang wikang pambansa noong 1973.

    Ikatlong Bilingguwalismo -  Ipinatupad noong 1974 at nag-utos na gamitin ang mga wikang Ingles at Pilipino at naisantabi ang mga unang wika. Sumaklaw ito sa lahat ng antas pang-akademiko.

    ⇒Ang Unang Wikang Filipino - (Filipino - 1) artipisyal na wika na balak buuin ng konstitusyon noong 1973 at papalit sa wikang pilipino bilang wikang pambansa.

    Ikalawang Multilingguwalismo - Ipinatupad sa panunungkulan ni Pang. Corazon Aquino. Pinagsama ang unang wikang multilingguwalismo at ikatlong bilingguwalismo. Pinagtibay ang paggamit ng wikang Ingles at Pilipino at kinilala muli ang mga unang wika bilang auxilary na wika sa pagtuturo.

    ⇒Ang Ikalawang Wikang Filipino - (Filipino -2) wikang pilipino ay muling kinilala bilang wikang opisyal, pang - akademiko, at pambansa, at pinangalanang wikang "FILIPINO" ng konstitusyon ng 1987.

    Ikatlong Multilingguwalismo - ipinatupad noong 2009 at nakabatay sa sistematikong pananaliksik tungkol sa multilingguwalismo. Tinatawag nating "Sistematikong Multilingguwalismo"



    *ARALIN 3 "Lingguwistikong Komunidad at Uri ng Wika"



    Mga salik ng Lingguwistikong Komunidad

    1. May kaisahan sa paggamit ng wika at naibabahagi ito sa iba - homogenous ang wika.
    2. Nakapagbabahagi at malay ang kasapi sa tuntunin ng wika at interpretasyon nito katulad ng interpersonal na komunikasyon.
    3. May kaisahan sa pagpapahalaga at palagay hinggil sa gamit ng wika.

    Nalaman namin na ang ibig sabihin ng lingguwistikong komunidad ay umiiral lamang sa sektor, grupo, o yunit na nagkakaunawaan sa iisang gamit nila ng wika (homogenous) na may kaisahan sa uri o anyo.


    halimbawa:



    • Sektor - mga manggagawa
    • Grupong Pormal - Bible Study
    • Grupong Di - Pormal - Barkada
    • Yunit - team ng basketbol


    Ang Multikultural na Komunidad naman ay "pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba". Sa usapin naman ng wika nagiging iba-iba sammot-sari, o marami ang mga wika (heterogenous).


    halimbawa:



    • Internasyonal - United Nations; UNICEF
    • Rehiyonal-European Union; ASEAN
    • Pambansa- mga bansa at estado
    • Organisasyonal - Microsoft, Google, Nestle



    Sosyolek - ginagamit ng isang pangkat o uring panlipunan. hal., jejemon

    Idyolek - paraan ng pagsasalita ng isang tao. hal., pagsasalita ni Kris Aquino
    Diyalekto - uri ng wika na nababago, nagbabago o nagiging natatangi dahil ginagamit ito ng mga taong nasa ibang rehiyon o lokasyon.
    Rehistro - nauukol ito sa layunin at paksa ayon sa larangang sangkot ng komunikasyon.



    *ARALIN 4 " Kasaysayan ng Wikang Pambansa at ang Filipino bilang Wikang Global"


    Ang wika ang siyang nagbibigay ng buhay sa ating lipunang ginagalawan. Mahalaga ang wika sa ating sarili, sa kapwa, at lipunan. Buhay at dinamiko ang aitng wika, ang pag-iral ng pagbabago dito ay kaalinsabay ng pagbabagong nagaganap sa lipunan.



    KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


    I. PANAHON NG KATUTUBO

    *Baybayin - katutubong uri ng pagsulat
                       - naglalaman ng 17 simbolo (14 katinig at 3 patinig)
    *Doctrina Christiana - kauna-unahang aklat sa bansa sa paraang baybayin


    II. PANAHON NG KOLONYALISMONG ESPANYOL

    *Wikang Kastila - itinakda sa ilang batas upang gamitin
    *Paggamit ng Alpabetong Romano bilang palatitikang Filipino


    III. PANAHON NG REBOLUSYON

    *Marami sa mga pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo
    *Nagtungo sa ibang bansa upang mag-aral: Dr. Jose Rizal, Graciano-Lopez Jaena, Antiono Luna, at Marcelo H. del Pilar.
    *Nagkaroon ng himagsikan noong 1897
    *Saligang Batas ng Biak na Bato - nag-aatas na ang wikang tagalog ang magiging wikang opisyal ng mga Pilipino.


    IV. PANAHON NG MGA AMERIKANO

    *Almirante Dewey - siya ang namuno sa pananakop ng mga Amerikano
    *Batas blg. 74 ng Komisyong Pampilipinas noong 1901: wikang panturo ay Ingles.
    *Thomasites - mga sundalong naging guro noon


    V. PANAHON NG PAMAHALAANG KOMONWELT

    *1935
    *Saligang Batas 1935, Artikulo XIV, Seksiyon 3
    *Ingles at Kastila ang wikang opisyal
    *Surian ng Wikang Pambansa - Jaime de Veyra ang unang tagapangulo
    *Blg. 143 - tagalog ang gawing saligan ng wikang pambansa
    *Blg. 263 - A Tagalog English Vocabulary at Balarila ng Wikang Pambansa


    VI. PANAHON NG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

    *Panahon ng mga Hapon
    *Ipinagamit nila ang katutubong wika
    *Order Militar Blg. 13 noong Hulyo 1942 - gawing opisyal ang wikang Tagalog at Hapon


    VII. SA PAGBABALIK NG MGA AMERIKANO

    *Batas komonwelt blg. 70 noong Hulyo 4, 1946 - Wikang Pambansang Pilipino
    *Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954 - Pang. Ramon Magsaysay
             Linggo ng wika simula Marso 29 hanggang Abril 4
             Araw ni Balagtas Abril 2 inilipat sa Agosto 13 hanggang 19
    *Saligang Batas 1973 Artikulo XIV, Seksiyon 3 - Ingles at Pilipino ang ginawang wikang opisyal.
    *Artikulo XIV, Seksiyon 6 - wikang pambansa ay Filipino


    VIII. DEKADA 90

    *Komisyon sa Wikang Filipino
    *Pinahaba ang pagdiriwang sa Wikang Pambansa
                   mula isang linggo hanggang maging isang buwan tuwing sasapit ang Agosto.


    IX. INTERNET AT GGLOBALISASYON

    *Pagpapalaganap ng wikang Filipino
    *Naglalaho na ang dominasyon ng wikang Ingles lalo na sa Cyberspace
    *Paggamit ng mother tongue sa paaralan
    *Mother Tongue Based - Multilinggual Education





    YUNIT II MGA GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

    Sa yunit na ito nalaman namin ang iba’t ibang gamit ng wika at natutunan din naming kung ano ang kaibahan ng mga ito sa isa’t isa.



    *ARALIN I “Bilang Instrumento”

    Maituturing itong instrumental dahil natutugunan nito ang mga pangangailangan ng tao:
    1. Pagpapahayag ng damdamin kaugnay sa pasalamat, pag-ibig, galit, kalungkutan, pagpapatawad, sigla, pag-asa, at marami pang iba.
    2. Panghihikayat upang gawin ng kausap ang nais na tupdin o mangyari;
    3. Direktang pag-uutos; o
    4. Pagtuturo at pagkatuto ng maraming kaalaman at karunungang kapaki-pakinabang.

    Nalaman din namin na may isang tao palang naniniwala na mag kadugtong ang ating damdamin at isipan, at yun ay si Prospero Covar sinabi niya na magkaugnay ang loob, labas, at ilalim ng ating pagkatao.

    Natutunan namin na ang simpleng pag-utos namin sa isang tao ay tinatawag palang bigkas – pagganap na may tatlong kategorya, at ito ay hango sa teorya ni John L. Austin.

    1.       Lokusyunaryo – ibig sabihin nito ay ang aktuwal na sinabi ng isang tao
    2.       Ilokusyunaryo – ito naman ang ibig sabihin o kahulugan ng sinabi
    3.       Perlokusyunaryo – ito ang ginawa o nangyari matapos mapakinggan ang mensahe.



    *ARALIN II “Regulatoryo”

    Base sa aming nalaman ang regulatoryo ay gamit ng wika na nagtatakda, nag-uutos, at nagbibigay direksiyon sa atin. Ito ay matatawag na regulatory kung mayroon ito ng mga sumusunod:

    1.       Batas o kautusan na nakasulat, nakikita, nakalimbag, o inuutos ng pasalita.
    2.       Taong may kapangyarihan o posisyon na nagpapatupad ng kautusan o batas.
    3.       Taong nasasaklawan ng batas na sumusunod ditto
    4.       Konstekto ng nagbibigay sa batas o kautusan tulad ng lugar, institusyon, panahon, at taong sinasaklawan ng batas.

    May tatlo rin itong klasipikasyon; berbal (binabanggit na kautusan), nasusulat, nakalimbag, at biswal (mga utos na kadalasang nakikita sa lansangan at daan), at Di-nasusulat na tradisyon (mga tradisyong kautusan halimbawa nito ay dapat laging panganay na lalaki ang magmamana ng negosyo)

    Mga halimbawa ng Rugalasyon o Batas
    1.       Saligang Batas o Konstitusyon – ito ay batas ng bansa
    2.       Batas ng Republika – batas na inakda ng kongreso
    3.       Ordinansa – batas sa mga probinsiya, siyudad, at munisipyo
    4.       Polisiya – kautusan o desisyong ipinatupad sa isang organisasyon, ahensiya, o kompanya
    5.       Patakaran at regulasyon – batas sa paaralan, kompanya, pribadong organisasyon



    *ARALIN III “Interaksiyonal”

    Ang ibig sabihin ng interaksiyon ay pakikipag-ugnayan at pakikisalamuha sa ibang tao. Ang pakikipag-usap naman sa pagitan ng dalawa o higit pang tao ay interpersonal na komunikasyon.
    Sa aklat ni M. A. K. Halliday (1973) na Explorations of Functional of Language binibigyang-diin dito na ang pagkakategorya ng wika ay batay sa tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay.

    Ang Interaksiyon sa Cyberspace – nalilikha ang tension, ugnayan, di-pagkakaunawaan, maging ang bagong kultura sa espasyong ito.

    Mga halimbawa ng interaksiyon sa Internet
    Dalawahan
    1. E-mail
    2. Personal na mensahe o instant message
    Grupo
    1. Group chat
    2. Forum
    Maramihan
    1. Sociosite
    2. Online Store


    *ARALIN IV “ Personal”

    Personal ay mula sa salitang personalidad. Nabubuo ang personalida ng isang tao habang siya ay nagkakaisip at nagiging bahagi ng isang lipunan. Ayon kina Katherine Briggs at Isabel Myers mayroong apat na dimensiyon an gating personalidad:

    Panlabas laban sa Panloob – paano kumukuha ng enerhiya
    Pandama laban sa Sapantaha – paano kumukuha ng impormasyon
    Pag-iisip lanban sa Damdamin – paraan na ginagamit sa pagdedesisyon
    Paghuhusga laban sa Pag-unawa – bilis ng pagbuo ng desisyon ng isang tao

    Ginagamit ang wika upang maipahayag ang sarili at anumang pansariling layunin.

    MALIKHAING SANAYSAY

    Sanaysay – ay nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay.  Ito ay nagsimula sa dalawang salit – sanay at pagsasalaysay.

    Malikhaing sanaysay ay naglalaman ng sariling pananaw ng may-akda at nasa puntodebista ng manunulat.

    Halimbawa:

    Biograpiya – kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari, at impormasyon

    Awtobiograpiya – talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat
    Alaala – kwento ng buhay na pinagdaanan
    Sanaysay – pasalaysay na paglalarawan ng mga lugar na napuntahan
    Personal na sanaysay – pagsasalaysay ng mga personal na pangyayari sa buhay
    Blog – isang web page o online na dyornal  na maaaring ma-access ng madla

    Ang sanaysay ay may tatlong bahagi panimula, katawan, at wakas.



    *ARALIN V “Imahinatibo”

    Ang imahinatibong wika ay ginagamit sa paglikha, pagtuklas, at pag-aliw. Inilalarawan ng imahinatibong panitikan ang iba’t ibang anyo ng panitikan kabilang ang:

    Ø  Pantasya
    Ø  Mito
    Ø  Alamat
    Ø  Kuwentong –bayan
    Ø  Siyensiyang Piksiyon – panitikan ng tao na dumaranas ng pagbabago, maaaring ito ay siyentipikong pagtuklas, pagbabago sa teknolohiya, o natural na pangyayari.



    **ARALIN VI "Heuristiko at Representatibo"
    "
    Heuristiko - Mayroong tanong at sagot, may pag-iimbestiga, at may pag eeksperimento kung tama o mali.
    Representatibo - matatawag itong representatibo kapag ipinaliwanag na ang resultang nakalap mula sa mga tao o mula sa pag-iimbestiga.



    (ANG APAT NA YUGTO SA MAUGNAYING PA-IISIP)


    A.Paggamit ng Sintido – kumon  (pinakakaraniwang na pag-iisip at       pangangatwiran)


    Hal; Kapag makulimlim ang langit, maiisip nating magdala ng payong.

         Sa ganitong uri ng pag-iisip ginagamitan natin ito ng kutob at pakiramdam.



    B. Lohikal na Pag-iisip
    1. Lohika ayon sa Pangangatwiran o Argumento – ito ay umiikot sa ugnayan ng mga pahayag at konklusyon.
    2. Lohika ayon sa pagkasunod-sunod – kasama rin sa lohikal na pag-iisip ang pagtukoy sa pagkakasunod-sunod o proseso. (ex. puzzle, lego, at flow chart)
    3.Lohika ayon sa Analisis –
    a. Hinuhang Pangkalahatan -  Ibinabahagi muna ang konklusyon bago isaad ang batayan
    b. Hinuhang Pambatayan – Isinasaad muna ang mga  batayan  bago ang konklusyon at pangkalahatang ideya.

    C. Kritikal na Pag-iisip
    1. Masusing pagtukoy sa kaligiran ng suliraninnakapaloob dito ang dahilan, epekto, mga sangkot, paano nagsimula at ano ang benepisyo nito sa mga taong sangkot.
    2.Pagsusuri, Pag-uuri, at pagpuna ditto mo malalaman kung saan ka pumapanig, bakit mo pinanigan, may matibay kabang ebidensya o datos, at dapat pag-aralin mong maigi ang iyong paksa at pati na rin ang paksa ng kalaban.
    3. Paglatag ng alternatibo kailangan mayroon kang solusyon at mga alternatibo para sa nasabing suliranin.

    D. Maugnaying Pag-iisip (pinakamataas na antas ng pag-iisip)       
    *Repleksiyon- pagninilay-nilay sa sariling karanasan.   
    *Kritika- paglapat ng teorya
    *Interpretasyon – paliwanag at kahulugan
    *Pananaliksik na multidisiplinaryo – pag-aaral gamit ang iba’t ibang pamamaraan.
    *Pananaliksik na interdisiplinaryon –may dati ng kaalaman  sa dalawa o higit pang disiplnina.



    Powerpoint Presentation - isang paraan ng paglalahad ng impormasyon.


    Mga Pananda para sa koheksyong Gramatikal

    Anapora - una ang pangngalan bago ang panghalip
    Katapora - una ang panghalip bago ang pangngalan
    Pangatnig - ginagamit upang maging suwabe, madulas at magkaka-ugnay ang mga ideya.
    Panandang Salita - makakatulong upang bigyang - diin, linawin, at pukawin ang atensiyon ng mambabasa.

    *Pagkakasunod-sunod

    *Paghahambing
    *Pagkakaiba
    *Pagdidiin
    *Daloy ng Panahon
    *Pagwawakas



    YUNIT III MGA SITWASYONG PANGWIKA SA PILIPINAS



    *ARALIN 1 "Wikang Filipino at Mass Media"


    Mass media ay isang institusyong panlipunan tulad ng pamilya, paaralan, simbahan, at pamahalaan. kinikilala ito bilang ikaapat na estado. ang  mass media ay isa ring malaking industriya.


    Internet - ang pumapangalawa sa pinakagamiting media sa Pilipinas.

    Advertising Agency - sila ang gumagawa sa mga patalastas  sa telebisyono o radyo para sa mga multinasyonal na kompanya.

    Radyo - ang media ng masa, pinagmulan at pinagkukunan ng balita, aliw, impormasyon, payo, at serbisyong publiko ng mga tao.

    Panonood - ikalimang kasanayang pangwika

    Mga Uri ng Palabas


    A. Tanghalan / Teatro - aktuwal na pagganap o pag-arte

    B. Pelikula - Hindi aktuwal na napapanood ang palabas dahil ang pag-arte  ng mga tauhan ay nakarekord.
    C. Telebisyon - ito ang midyum samantalang ang mga programa dito  ay tinatawag na palabas.
    D. Youtube - mga personal na video na maaring i upload sa internet sa pamamagitan ng youtube.











    "MARAMING SALAMAT SA PAGBASA"

    Yoooow wazzup guys welcome back to our blog and for today we decided to post cooking recipe! I will share it to you guys how my mother coo...